Anak tinodas ng ama

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 26-anyos na anak  na lalaki makaraang pagtatagain ng sariling ama sa gitna ng mainitang pagtatalo sa Barangay Kagawasan, Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa. Namatay habang ginagamot sa Zamboanga del Sur Medical Center ang biktimang si Jerry Traya, sumuko naman ang suspek na si Longerciano Traya, 54, biyudo at kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ni P/Senior Inspector Joseph Ortega na nakarating sa Camp Crame, nasa impluwensya ng alak ang biktima nang makipag-argumento sa kanyang ama na nauwi sa pananaga at pananaksak. Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman sa pagamutan ang anak nito ng mga sumaklolong kapitbahay pero nabigong maisalba ang buhay.

 

Show comments