CEBU , Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 23-anyos na dalaga na nagselos sa kanyang nobÂyong Kano na sinasabing nagbigay ng tulong pinansyal sa dating nobya makaraan itong uminom ng muriatic acid noong Martes ng hapon sa inuupahang apartment sa Sitio Tiago, Barangay San Isidro sa Talisay City, Cebu.
Kinilala ni P02 Edwin Campomanes ang biktima na si Nelmie Labrador.
Sa inisyal na imbestigasÂyon, lumilitaw na nagselos ang biktima sa ex-girlfriend ng kanyang nobyang Kano na si Anthony Louis, 61.
Nabatid na nag-text ang ex-girlfriend ng Kano para himinggi ng financial assisÂtance dahil sa lumalalang karamdaman.
Kaagad namang pinuntahan ng Kano ang dating nobya para tulungan subalit nagbanta ang biktima na magpapakamatay kapag hindi umuwi ang nobyo sa itinakdang oras.
Gayon pa man, nang bumalik sa apartment ang Kano ay nadatnan nito ang biktima na bumubula ang bibig kung saan natagpuan sa sahig ang botelya ng muriatic acid at gunting.
Mabilis namang isinugod sa Talisay City District Hospital subalit idineklarang patay ang biktima.