2 minartilyo, kinatay ng kadugo

MANILA, Philippines - Napaslang ang dalawang miyembro ng pamilya habang tatlo pa ang nasugatan makaraang pagtatagain at pukpukin ng martilyo ng mismong kadugo ng mga ito at mga kasabwat nitong barkada sa Barangay Alanib, bayan ng Lantapan, Bukidnon noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang mga napatay na sina Emma Suarez, 43; at Cherry Mae Balsita, 28, habang ginagamot naman sa Malaybalay Provincial Hospital ang mga sugatang sina Roberto Balsita Sr., 78; Wenilyn Balsita, 13;  at si Jonard Suarez Jr., 12. Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen sa bahay ng pamilya Suarez kung saan natukoy naman ang isa sa mga suspek na si Roberto Balsita III, apo ng matandang Roberto at dalawa nitong menor-de-edad na barkada na kapwa taga-Valencia City. Lumilitaw sa imbestigasyon na pinagalitan ng mga nakatatandang biktima si Roberto III dahil sa sprayer na hiniram nito at nabigong maibalik matapos na  mawala.

 

Show comments