Inakalang mangkukulam, dinedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  â€“ Pinabulagta ang 51-anyos na magsasaka na sinasabing mangkukulam matapos pagbabarilin ng maskaradong lalaki habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Baug, bayan ng Urbiztondo, Pangasinan kamakalawa.
 Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Loreto Ariaga ng nasabing barangay. Nabatid na isinisisi ng mga residente sa biktima at asawa nito nang hindi maipaliwanag na pagkakasakit ng mga kabataan at matanda kung saan sinasabing kinukulam. Napag-alamang nagmomotorsiklo ang biktima na patungo sana sa kabayanan nang tambangan ng gunmen.

 

Show comments