12 kalaboso sa illegal fishing

CAMARINES NORTE , Philippines    - Kalaboso ang 12-mangingisda makaraang maaktuhan ng mga awtoridad sa illegal fishing sa karagatang sakop ng Barangay Sabang, bayan ng San Jose, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ni P/Senior Insp. Dino Ben Regaspi ang mga suspek na sina Jaypee Delfino,  kapitan ng bangka; Antonio Degras, Jeffrey Landicho, Marcelo Pano Jr., Arthur Cuadra, Marvin Alarcon, Timoteo Pasacay,  Jay-R Pano, Jerome Sales, Ryan Pano,  Wilson Delos Santos, at si Reynan Bares na pawang nakatira sa nasabing barangay. Ang mga suspek ay lulan ng F/V Sheila Mae na pag-aari ni Septimu Francia habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

 

Show comments