Radio broadcaster itinumba sa Digos City

MANILA, Philippines – Dalawang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang radio broadcaster matapos tambangan ng dalawang armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo ngayong Biyernes sa Digos City, Davao del Sur.

Patungo lamang sana ng palengke si Samuel Oliverio ng Mindanao Broadcasting Network nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa kalye ng Del Pilar.

Inaalam pa ng mga pulis kung may kinalaman sa trabaho ni Oliverio ang pananambang.

Nitong nakaraang buwan lamang ay isang tabloid reporter ang itinumba sa probinsiya ng Cavite.

Show comments