Shootout: Pulis, drug pusher dedo

BATANGAS , Philippines   â€“  Dalawa-katao kabilang ang isang pulis ang napatay matapos sumiklab ang bakbakan sa bahagi ng Barangay Sampaloc sa bayan ng Talisay, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Omega Fidel, Batangas PNP director ang mga napatay na sina PO3 Leodigario Matira, naka-assign sa Talisay PNP station; at Henry Mangubat. Nabatid na magsisilbi sana ng search warrants para sa kasong illegal drug ang tropa ni PO3 Matira nang paputukan ng grupo ni Mangubat bandang alas-5 ng umaga. Naisugod pa sa ospital si PO3 Matira pero namatay din ito habang napatay naman si Mangubat nang gumanti ng putok ang mga pulis. Tugis naman ng pulisya ang mga kasabwat ni Mangubat matapos makata­kas habang nagaganap ang bakbakan. Nakarekober ng tatlong baril sa pinangyarihan ng enkwentro.

Show comments