Driver dedo sa pakikipag-sex

NORTH COTABATO, Philippines - - Kamatayan ang naging kapalit sa pakikipag-sex ng 27-anyos na driver matapos itong pumasok sa massage parlor sa Barangay Pioneer, General Santos City kahapon ng madaling araw.

Kinilala sa police report ang biktima na si Ben Ampunga ng Barangay Tambilil sa bayan ng Kiamba, Sarangani.

Sa salaysay ng masahista na nagpakilalang Ara, nakasama niya ang biktima kahapon ng madaling araw subalit hindi pa man nagpamasahe ang biktima ay bigla na lamang itong nanigas matapos makipag-sex.

Mabilis namang tumawag ng pulis ang masahista kung saan nadatnan ng pulisya ang biktima na wala nang buhay habang nakababa pa ang shorts at panloob nito.

Pinaniniwalaang nakai­nom ng pampatigas ang biktima na nagkaroon ng komplikasyon sa kanyang puso habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments