MANILA, Philippines — Guilty ang hatol ng Commission on Elections (Comelec) kay Laguna Governor Emilio Ramon “ER†Ejercito sa kasong labis na paggastos nitong 2013 elections.
Sa botohang 7-0 ng Comelec en banc ay pinagtibay nila ang desisyon ng First Division noong Setyembre 2013 para idiskwalipika si Ejercito.
Lumabas sa imbestigasyon ng poll body na umabot sa P23.5 milyon ang ginastos ng gobernador kahit hanggang P4.5 milyon lamang ang maaari niyang gamitin.
Kaugnay na balita: Laguna Gov. ER Ejercito diskwalipikado - Comelec
Si Laguna Vice Governor Ramir Hernandez ang uupong acting governor.
Samantala, maaari pa rin namang iapela ni Ejercito ang desisyon ng Comelec sa Korte Suprema sa loob ng limang araw.