Jogger inararo ng van, patay

BULACAN, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng 56-anyos na lalaki matapos na masagasaan ng van habang nagdya-jogging sa kahabaan ng highway sa Barangay Sibul, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga. Kinilala ni PO3 Florante Lasco ang biktima na si Jose Lopez habang sumuko naman ang driver ng sasakyan na si Joselito De Jesus, 37, drayber at residente sa Barangay Bagumbong, Caloocan City. Nabatid na nag-eehersisyo ang biktima sa gilid ng kalsada nang mahagip ng Nissan Urvan (NIZ-601) na minamaneho ni De Jesus. Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay.

Show comments