Magkaibigan pinatay sa inuman

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang magkaibigang nag-iinuman matapos ratratin ng di-kilalang lalaki kahapon ng madaling araw sa Purok 2, Barangay Balangibang sa bayan ng Polangui, Albay. Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Santiago Raborar, 49; at Santos Ricacho, 60, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Marlo Meneses, naganap ang pamamaril sa bahay ng anak ni Ricacho kung saan biglang lumapit ang gunmen saka sunud-sunod na pinagbabaril ang magkaibigan. Kaagad na tumakas ang gunman kung saan iniwan ang motorsiklo nito kung saan narekober ng pulisya ang ilang basyo ng mga bala ng cal. 45 pistol.

Show comments