Isabela blast: 4 utas, 4 grabe

MANILA, Philippines - Apat-katao ang namatay kabilang ang senglot na nagpasabog ng granada  habang apat naman ang malubhang nasugatan sa bayan ng Isabela, Negros Occidental kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga namatay na sina Melvin Tanghiyan, 42; Marynachel Tanghiyan, 13; Caren Tanghiyan, mga anak ni Melvin; at ang may dala ng granada na si Dagul Domingo.

Unang isinugod sa Isabela District Hospital bago inilipat sa Western Visayas Medical Center sa Bacolod City ang mga sugatang sina Marilou Tanghiyan, 39,  ina ng dalawang bata; Melvin Jr., 10, Rica, 8; at si Kevin Tanghiyan, 4.

Sa ulat ni P/Supt. Alexander Munoz, Public Information Office Chief ng Negros Occidental PNP, naganap ang pagsabog sa bahay ng pamilya Tanghiyan sa Sitio Baylantihan, Barangay Lima Lima dakong alas-12:05 ng madaling araw.

Lumilitaw na senglot na pumasok sa bahay ng pamilya Tanghiyan si Domingo na may dalang granada kung saan tinatakot ang mga biktima nang biglang may bumato at nabitiwan nito ang eksplosibo.

Umalingawngaw ang ma­lakas na pagsabog sa loob ng bahay kung saan apat kagad ang patay kabilang si Domingo.

 

Show comments