1 todas, 4 kritikal sa banggaan

TUGUEGARAO CITY, Philippines - - Patay ang isang 40 anyos na dalaga samantalang apat na iba pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na aksidenteng magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa national highway ng Brgy. Baraoidan, Gattaran, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Raquel Mallari na kaangkas ng driver na si Michael Cordova.

Lumalabas sa imbestigasyon na nag overtake sa sinusundang truck si Cordova subalit nakasalpukan nito ang likuran ng isa pang motorsiklo na minamaneho ni Roger Mateo, 46  na  sakay naman sina Jaslyn Alipio, 22 at Sherwin Gaoiran, 16; pawang mga taga Brgy. Capiddigan ng bayang ito.

Sa lakas ng pagtilapon ay sugatang isinugod sa pagamutan ang mga biktima pero idineklara ng dead-on-arrival si Mallari. Ang kasong ito ay patuloy na sinisiyasat ng mga awtoridad.

Show comments