MANILA, Philippines - Bulagta ang 33-anyos na ama habang sugatan naman ang dalawa nitong anak matapos tambangan ng mga maskaradong lalaki sa kahabaan ng highway sa Barangay Sta. Ana, bayan ng Tubay, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.
Naisugod pa sa Cabadbaran District Hospital sa Cabadbaran City subaÂlit idineklarang patay si Nestor Juevesano Nanual habang sugatan naman ang dalawang anak na sina Nehjane, 12; at Shantie Nanual, 2. Nakaligtas naman ang misis ni Nestor na si Ginalyn na hindi nagtamo ng sugat sa katawan.
Sa ulat ng Agusan del Norte PNP na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pananambang habang lulan ng motorsiklo ang mga biktimang papauwi mula sa dinaluhang birthday party ng kaibigan ng kanilang pamilya sa kabilang barangay.