Minero pinugutan ng kabaro

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Pinaniniwalaang onsehan sa tinanggap na payroll ang isa sa motibo kaya pinagtataga at pinugutan ang isang minero ng dalawang kasamahang minero sa Barangay San Francisco, bayan ng San Guillermo, Isabela kamakalawa ng gabi. 
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jackson Pantaleon habang nasakote naman ang mga suspek na sina Eduardo Macarilay,18; at Jefferson Quilang, 22,  kapwa nakatira sa nasabing lugar. 
Nabatid na magkakasama ang mga suspek at biktima na bumaba sa Baguio City bago naghiwalay ng landas.
 Lingid sa biktima ay sinundan siya ng mga suspek dahil sa matinding galit kaugnay sa onsehan sa kanilang payroll sa minahan. Dito na tinagpas ng mga suspek ang ulo ng biktima saka pinagtulungang katayin sa harap ng kanyang bahay. Nasaksihan ng nakababatang kapatid ng biktima ang naganap na krimen kaya agad nitong isinuplong sa pulisya.

Show comments