Lola ‘di-nagbigay ng pera, dinedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 65-anyos na lola na sinasa­bing tumangging magbigay ng pera matapos itong pagsasaksakin ng kanyang ka-live-in sa Barangay Bagu, bayan ng Pamplona, Cagayan kamakalawa. Nagkabutas-butas ang katawan ng biktimang si Anita Carlos habang pinaghananap naman ng pulisya ang  suspek na si Francis Ayuban, 21, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa salaysay ng mga kapitbahay na nakalap ng pulisya, umuwing lango sa alak ang suspek at nanghihingi ng pera sa biktima na sinasabing tumanggi namang magbigay.

Gayon pa man, nagalit ang suspek kaya nauwi sa matinding pagtatalo hanggang isagawa ang pamamaslang.

Nagimbal na lamang ang mga kapitbahay nang ma­tagpuan nila kinabukasan na patay at naliligo sa sariling dugo ang lola subalit wala na ang kanyang kinakasama.

Show comments