Indian trader grabe sa ambush

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang 28-anyos na negosyanteng Bumbay makaraang pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa naganap na ambush sa Barangay Putik, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang ginagamot sa Western Mindanao Medical Center Hospital ang biktimang si Sukhjinder Singh na nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kaliwang teynga, tiyan at sa ulo na naglagos sa kaniyang leeg. Sa  ulat na nakarating sa Camp Crame, papasok na sana sa compound ng bahay ang biktimang nakamotorsiklo mula sa bahay ng kaniyang pinsang si Raj Singh sa Guiwan Porcentro, Brgy. Guiwan nang lapitan at ratratin.

Show comments