Magnitude 5.7 na lindol tumama sa Davao Occ

Phivolcs

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang probinsiya ng Davao Occidental ngayong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ng Phivolcs ang sentro ng lindol sa 31 kilometro timog-silangan ng Sarangani, Davao Occidental kaninang 1:44 ng hapon.

May lalim na 113 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Davao City, Mati City, at Davao Oriental, habang Intensity 3 naman sa Bislig, Surigao del Sur, at Tagum City.

Naranasan ang Intensity 1 sa Gingoog, Misamis Oriental, ayon pa sa Phivolcs.

Wala namang naitalang nasaktan sa lindo, ngunit nagbabala ang Phivolcs sa mga aftershocks na mararanasan.

Show comments