Biyuda dinedo sa harap ng anak ‘

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  â€“ Napatay ang 39-anyos na biyuda matapos itong pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang anak kamakalawa ng gabi sa Barangay Santicon, bayan ng Polangui, Albay. Naisugod pa sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital subalit namatay din si Marites Belmonte ng nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Marlo Meneses, lumilitaw na nanghingi ng maiinom na tubig ang gunmen sa anak ng biktima. Kaagad naman tinawag ng anak ang kanyang ina kung saan may dala itong dalawang baso ng tubig. Dito na pinagbabaril ng gunmen ang biktima kung saan natulala ang anak sa nasaksihang krimen.

Show comments