^

Probinsiya

Bus swak sa bangin: 25 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 25-katao ang iniulat na nasugatan makaraang mahulog ang pampasaherong bus sa malalim na  bangin sa Sitio Dimotol, Barangay Dianawan sa ba­yan ng Maria Aurora, Aurora kahapon ng umaga.

Sa inisyal na imbestigas­yon, lumilitaw na bumabagta­s ang Papin Bus (CWC -847) na minamaneho ni Celestino Marzan habang palusong sa matarik na bahagi ng bulubunduking highway nang mawalan ito ng kontrol sa manibela bandang alas-7 ng umaga.

Nagtuluy-tuloy na dumausdos ang bus kung saan sumabit ito sa punungkahoy bago tuluyang nahulog sa may 20-talampakang malalim na bangin.

Agad namang rumes­ponde ang rescue team ng lokal na pamahalaan at naisugod naman ang mga biktimang sugatan sa Aurora Memorial Hospital sa bayan ng Baler, Aurora.

Samantala, nagsagawa rin ng retrieval operation ang rescue team sa kinahulugan ng pampasaherong bus.

vuukle comment

AURORA MEMORIAL HOSPITAL

BARANGAY DIANAWAN

CELESTINO MARZAN

MARIA AURORA

NAGTULUY

PAPIN BUS

SAMANTALA

SITIO DIMOTOL

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with