Sanggol pinatay sa sakal ng ama

CAMARINES NORTE , Philippines  - Kalunus-lunos na kamata­yan ang sinapit ng tatlong buwang gulang na sanggol matapos itong sakalin, pilipitin ang leeg at paa ng kanyang ama dahil sa ma­tinding galit kamakalawa sa Barangay Balaynan, Goa, Camarines Sur.

Sa ulat na ipinarating kay P/Chief Insp. Chito Oyardo, natagpuan ang bangkay ng sanggol may ilang metro ang layo mula sa bahay ng mag-asawang Jose at Jocelyn delos Santos sa nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, nanganak ang misis ni Jose matapos itong magbakasyon sa  trabaho sa Maynila.

Gayon pa man, naghinala si Jose sa kanyang misis na hindi sa kanya ang isinilang na sanggol dahil anim na buwan itong nanatili sa Maynila bago umuwi na buntis.

Gayon pa man, inintay ni Jose na isilang ang sanggol bago isagawa ang pamamaslang saka itinapon ang bangkay may ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Kaagad na ipinaabot sa pulisya ang insidente matapos mabatid na nawawala na ang mag-asawa na kasalukuyang pinaghahanap.

 

Show comments