4 na preso patay sa pamamaril sa Quezon jail

MANILA, Philippines – Utas ang apat na preso, habang 10 ang sugatan matapos atakihin ang mga jail guards ng Quezon Provincial Jail ngayong Miyerkules ng umaga.

Naglilipat ng ibang preso ang jail guards nang nang atakihin sila bandang alas-10 ng umaga.

Walang nagawa ang mga jail guards kung hindi ang paputukan ang mga lumusob na presong armado ng improvised weapons.

Dinala sa Quezon Medical Center ang mga nasawing preso.

Nakilala naman ang mga sugatang sina Jason Magpantay, Nelson Escollar, Adolfo de Mesa, Enrique Ramos, Jose Gonzales, Rommel Falcon, Alberto Perez, Francis Kabutihan, Michael Ancajo, at Ronald Abordo.

Show comments