3 bata lunod sa ilog

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines - – Tatlong bata ang  namatay habang isa naman ang nakaligtas makaraang malunod sa mababaw na ilog sa Barangay Sta. Veronica, bayan ng Guimba, Nueva Ecija noong Martes ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Crizaldo Nieves ang tatlo na sina Rochelle Sevilla, 7; Ramil Sevilla, 5; at si Gerald Dulay, 4, mga nakatira sa Barangay Sta. Veronica sa nasabing bayan. Samantala, nakaligtas naman si Ivan Dulay, 7. Nabatid na nagkayayaan ang mga biktima na maligo sa nasabing ilog kung saan hindi naman kalaliman pero malakas ang underwater current kaya nalunod ang mga biktima. Naisugod naman sa ospital ang mga biktima subalit namatay din ang tatlo.

Show comments