16 tiklo sa P1.5-M drug bust

BULACAN, Philippines - Kalaboso ang labing-anim na sibilyan kabilang ang dalawang tinedyer matapos arestuhin ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa inilatag na drug bust operation sa limang bahay sa Barangay Bayugo, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Sumasailalim sa interogasyon ang mga suspek na sina Ali “Balbas” Saripada, Noraisa Adiron, Emma Palo, Jamal Apinao, Dennis Simon, Jamail Bali, Alvin Bacalla, Salter Golper, Malic Pangcoga, Rio Tumnob, Jayson Aggalot, Uno Lami, Meanne Guro, Noraliza Guling at ang dalawang tinedyer na lalaki na mga residente ng Northville 3 sa nasabing lungsod. Ayon kay PDEA regional director Geoffrey Tacio, ang pagsalakay ay base sa  ipinalabas na search warrant ni Judge Richard Paradeza ng Olongapo City Regional Trial Court  Branch 72. Nasamsam sa mga suspek ang 28 plastic sachet ng shabu na may street value na P1.5 milyon, mga digital weighing scale at iba’t ibang drug paraphrenalias.

Show comments