Ilocos Norte nilindol

MANILA, Philipines – Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Burgos, Ilocos Norte ngayong Lunes ng umaga.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol sa 169 kilometero hilaga-kanluran ng bayan ng Burgos bandang 8:43 ng umaga.

May lalim na 34 kilometero ang lindol na tectonic ang pinagmulan.

Kaugnay na balita: Magnitude 5.9 na lindol sa Vigan

Naramdaman ang Intensity 2 sa Laoag City.

Wala namang naitalang nasaktan sa paggalaw ng lupa ngunit may inaasahang aftershocks ang Phivolcs.

Nitong Abril 22 ay magnitude 5.9 na lindol naman ang tumama sa Vigan, Ilocos Sur.

Show comments