Gas attendant pinabulagta

BULACAN , Philippines   -  Brutal na kamatayan ang sinapit ng 19-anyos na gas attendant matapos pagsasaksakin ng di-kilalang lalaki na nangholdap sa gasolihanan sa Phabia-Cadiz Road, Barangay Poblacion I, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng umaga. Bandang alas-9 ng umaga nang matagpuan ng karelyebong gas attendant ang biktimang si John Phillip Brigino ng Brgy. Gulod sa bayan ng Pandi. Sa ulat ni PO2 Rolex Visconde, ang biktima ay nagtamo ng pitong sasaksak sa ulo at nawawala ang P60, 000 cash ng Fil-Oil gas station na pinaniniwalaang tina­ngay ng holdaper habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments