Bangkay ng sanggol itinapon

LUCENA CITY, Philippines — Isang bangkay ng bagong silang na sanggol ang natagpuan ng isang basurero sa basurahan sa tabi ng highway sa Brgy. Gulang-gulang, kamakalawa ng madaling araw.

Ang nasabing sanggol ay isang lalaki na ayon sa  basu­rerong si Patrick James Fronda­ ng Brgy. Ibabang Dupay ay inakala niyang manika ng matagpuan niya itong nakalagay sa loob ng isang plastic bag.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng ma­daling- araw habang sakay ng kanyang pedicab si Fronda ay nakita nito sa harapan ng Lucky 5 Furniture ang isang plastic na kulay puti na nakalagay sa ibabaw ng basurahan.

Dinala na ang labi ng sanggol sa simbahan upang pabendisyunan bago inilibing sa Lucena Old Ce­metery.

 

Show comments