BULACAN, Philippines — Nabitag ng mga awtoridad ang isang wanted na karnapper matapos itong makorner sa inilatag na checkpoint sa Brgy. Poblacion, Sta Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon.
Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng suspek na si Joseph “Nonoy†Nicolas, 24, residente ng Garden Village, Brgy. Pulong Buhangin sa naturang bayan at may kaso sa sala ni Hon.Judge Victoria Fernandez-Bernardo ng RTC Br. 19 sa Malolos City.
Base sa ulat ni P/Supt. Rodolfo Hernandez dakong alas-12:30 ng hapon habang nagsasagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhan sa Brgy. Poblacion kaugnay sa ‘No Helmet-No Ride PolicyÂ’ ay biglang dumating ang motorÂsiklong Yamaha MIO na walang plaka lulan ang suspek na wala ring helmet at nang pinara ito ay agad na tumakas subalit naaresto rin kinalaunan. Sa beripikasyon ay naÂtukoy namang isa itong wanted na karnaper.