Guro dedo sa bike crash

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Kamatayan ang sumalubong sa 44-anyos na guro makaraang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa barandilya ng tulay sa Sitio Ingkoy, Barangay Bogtong sa bayan ng Mandaon, Masbate kamakalawa. Bandang alas-12 ng tanghali nang matagpuan ang duguang katawan ni Ruel Mortel ng Bogtong Elementary  School kung saan nahulog ito sa ilalim ng tulay. Ayon sa ulat, papauwi na ang biktima mula sa Barangay Poblacion nang makasalubong si kamatayan.

Show comments