Barangay chairman dedo sa ambush

BATANGAS, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang 68-anyos na barangay chairman matapos tambangan ng hindi pa kilalang lalaki sa bayan ng Laurel, Batangas kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Senior Inspector Philip Aguilar, hepe ng Laurel PNP ang biktima na si Chairman Roberto Garcia ng Barangay Molinete sa nasabing bayan.

 Lumilitaw na papauwi na ang biktimang nakamotorsiklo mula sa panonood ng liga ng basketball sa bayan ng Balete nang rat­ratin pagsapit sa madilim na bahagi ng Barangay Molinete bandang alas-10:30 ng gabi.

Samantala, bumuo nang task group si Batangas PNP Director P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel para maresolba ang pagpatay sa biktima.

Show comments