Brgy. kagawad utas sa kuryente

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kamatayan ang sumalubong sa 45-anyos na barangay kagawad matapos itong ma­kuryente habang pinapalitan ang ilaw ng poste sa Barangay San Antonio­, bayan ng Panganiban, Catanduanes kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot pa ng buhay sa Viga District Hospital ang biktimang biyudo na si Jesus Tumanzar. Bago maganap ang insidente ay pinakiusapan ng mga residente na palitan ang ilaw ng kanilang poste kung saan sinunod naman ng biktima. Subalit nakahawak ang biktima sa talop na linya ng kuryente kaya nangisay at bumagsak sa sementadong kalsada.

Show comments