CAMP NAKAR, LUCENA CITY, Philippines - Nagdulot ng kamalasan ang Biyernes Santo makaraang malunod ang apat katao sa karagatan sa magkakahiwalay na insidente sa beach resort sa lalawigan ng Quezon, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat ni Sr. Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP Provincial Director, kinilala ang mga nasawi na sina Mark Maravillas, 23 ng GMA Cavite at Christopher Javier, 17 ng Brgy. Manggalang, Sariaya, Quezon, Joan James Sombey, 6, ng Pasig City, at Jeffrey Borreo, 16, ng Infanta, Quezon.
Ayon sa imbestigasyon, sina Maravillas at Javier ay nag-outing sa beach resort sa Sariaya,Quezon nang tangayin ang una ng maÂlakas na alon at tinangkang sagipin ng huli subalit maÂging siya ay nalunod.
Dakong alas-11:30 naman ng umaga ng maÂkaÂligtaan ng kanyang mga kaanak ang batang si Sombey habang naliligo sa beach resort sa Real, Quezon hanggang sa matagpuan na lamang itong nakalutang at wala ng buhay.
Samantalang, pinulikat naman umano si Borreo hanggang sa malunod at mamatay ayon sa kanyang kaibigang nakaligtas na si Rebante Mercado, 18 habang sila ay naliligo sa beach resort ng Infanta, Quezon dakong alas-5:30 ng hapon. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang naturang mga trahedya ng Biyernes Santo.