MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang isang bayan sa Surigao del Sur ngayong Martes ng umaga.
Naitala ang sentro ng lindol sa 20 kilometro silangan ng bayan ng Aras-asan, ayon sa United States Geological Survey.
May lalim na 45.6 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Samantala, magnitude 4.8 lamang ang sukat na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naramdaman ang Intensity 3 ng lindol sa bayan naman ng Tandag.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa lindol ang mga awtoridad.
Wala ring inaasahang aftershocks ang Phivolcs.