LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Magkasabay na namatay ang dalawang nene matapos malunod sa swimming pool ng Amater Spring Resort sa Barangay Tanawan, bayan ng Malinao, Albay kahapon ng umaga. Hindi na umabot pa ng buhay sa Liankos Medical Hospital sina Blessy Eunice Clapiz, 8; at Elena Carlit, 10, kapwa nakatira sa Purok 1, Barangay Santa Elena sa nasabing bayan. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Art Gomez, naganap ang insidente habang abala sa paghahanda ng pagkain ang mga kaanak ng dalawa. Nabatid na walang kaukulang bilang ng lifeguard ang nakatalaga sa nasabing resort kaya naganap ang insidente.