NORTH COTABATO, Philippines - - Pinabulagta ang 57-anyos na may-ari ng tailoring shop makaraang barilin ng maskaradong lalaki sa pamilihang bayan sa Barangay Poblacion, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng umaga. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Maliga “Kigs†Mulod, may asawa, may-ari ng Bog’s Tailoring at nakatira sa Mapanao Street sa nasabing barangay. Ayon kay P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP, nag-iisa lamang ang biktima sa kanyang tailoring shop nang pasukin at barilin ng gunman. Agad namang kinuha ng mga pamilya ng biktima ang bangkay nito para mailibing sa tradisyon ng mga Muslim. Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa droga ang nasabing pamamaril habang patuloy ang imbestigasyon.