Tulak todas sa shootout

CAVITE , Philippines   -  Napatay ang sinasabing notorys na drug pusher matapos itong makipagbarilan sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa Barangay Bagong Pook, Cavite City, Cavite. Sa imbestigasyon ng pulisya, inilatag  ang buy-bust operation ng mga operatiba ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA)  laban sa suspek na si Alvin De Castro na sinasabing natukoy na nagbebenta ng bawal na droga. Gayon pa man, dinakma ang suspek matapos bentahan nito ng droga ang isang police asset. Subalit sa halip na sumuko ay nanlaban ito at nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad na nauwi sa shootout. Narekober ang cal. 38 revolver, 8-piraso ng plastic sachet ng shabu,  cellphone, digital na timbangan at ang mark money na ginamit sa buy-bust operation.

 

Show comments