Doktor tiklo sa kasong rape

MANILA, Philippines - Nagwakas ang 5-taong pagtatago sa batas ng isang doktor na sinasabing ika-20 most wanted person sa Palawan matapos itong masakote ng mga awtoridad  kaugnay sa 3 counts ng rape at child abuse sa Camarines Sur kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Dr. Ricardo Adalid, nakatalaga  sa Caramoan Municipal Hospital sa Barangay Tawog.

Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team Palawan at Camarines Sur PNP ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose Bayani Usman ng Puerto Princesa Regional Trial Court Branch 50 sa Palawan kaugnay ng kasong 3-counts ng rape sa ilalim ng Republic Act 7610 o child abuse law.

Nabatid na ang nasabing warrant of arrest ay inisyu pa noong Marso 31, 2009 kung saan walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng nasabing doktor.

Show comments