Mag-asawa todas sa SUV

CAMARINES NORTE, Philippines - - Hindi na nasilayan ng mag-asawa ang bukang liwayway makaraang salpukin ng SUV ang kanilang tinutulugang kariton na gamit sa pagtitinda ng prutas sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay San Gabriel, bayan ng Pamplona, Camarines Sur kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mag-asawa na sina Abraham Sta. Rosa, 72; at Librada Sta. Rosa, 72, habang sugatan naman ang kanilang apo na si Christian Sta. Rosa, 22. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng Nissan Frontier (FFY-824) na si Jay Buenavente ng Tigaon, Camarines Sur. Lumilitaw na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa salpukin ang kariton na tinutulugan ng mga biktima sa tabi ng kalsada sa Sitio San Vicente.

Show comments