MANILA, Philippines – Upang mas mapabilis pa ang pagtunton sa suspek sa pagpatay sa mamamahayag na si Campo Press Club President Rubylita “Rubie†Garcia nag-alok ang media group na Alab ng Mamamahayag (ALAM) ng pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa ikadarakip ng mga nasa likod ng krimen.
Sinabi ni ALAM Chairman Jerry Yap na ayaw nilang umasa sa gobyerno sa pagtunton sa mga pumatay kay Garcia ng diyaryong Remate at miyembro ng National Press Club.
“Maliit na pera ang P50,000 pero sana'y makatutulong ito para magkalakas-loob ang mga may nalalaman sa kaso,†wika ni Yap.“Ayaw na naming umasa sa pangakong Tuwid na Daan ni Pres. Benigno Aquino III.â€
Kaugnay na balita: Tabloid reporter itinumba!
Duda ang ALAM sa hakbang ng gobyerno dahil sangkot umano ang isang opisyal ng Philippine National Police sa pagpatay kay Garcia.
“Malamang pagtakpan na naman kung sino ang totoong may kasalanan. Matagal na kaming nakikiusap sa gobyernong imbestigahan at parusahan ang mga salarin ng media killings pero walang nangyayari.â€
Itinumba mismo sa loob ng kanyang bahay si Garcia sa Bacoor, Cavite nitong Linggo.
Kaugnay na balita: Sa pagkapatay sa tabloid reporter… Tanza police chief sibak