Negosyante dinedo sa bahay

BULACAN, Philippines – Napatay ang 37-anyos na negosyante habang malubha naman ang magtiyuhin makaraang pagbababarilin ng mga di-kilalang lalaki na pumasok sa kanilang bahay sa Barangay Salapungan, bayan ng San Rafael, Bulacan kahapon ng madaling araw. Napuruhan ang biktimang si Joel Palas habang nasa kritikal na kondisyon naman ang utol nitong si Jun Ray Palas at pamangkin na si Mark Anthony Abellonari, 23. Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Jay Altona, natiyempuhan ng gunman na natutulog ang mga biktima saka isinagawa ang pamamaril dakong alas-2 ng madaling araw. Naisugod naman ang tatlo sa Rugay General Hospital at Bulacan Medical Center subalit hindi na umabot pa ng buhay si Joel. Narekober sa crime scene ng limang basyo ng bala ng cal .45 pistol.

Show comments