MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 4-anyos na nene matapos halayin ay pinatay pa sa sakal ng isang lalaki saka inihulog sa tunnel ng minahan ng ginto sa Barangay Gaulan, bayan ng Diplahan, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. Robert Ray Bahian, director ng Zamboanga Sibugay PNP, ang biktima na si Richel Ann Tampal kung saan nadiskubÂre ang bangkay sa inabandonang minahan sa Purok 6 sa nasabing barangay.
Nabatid na ang bata ay ilang araw ng nawawala matapos itong mabigong umuwi bago matagpuan ang krimen.
Kinumpirma naman ni Dr. Michael Siti na positibong ginahasa ang bata base na rin sa resulta ng post-mortem examination.
Ayon sa ulat, may nakapagsabing nakita ang biktima na inaakay ng suspek na si Geromnik Dacles patungo sa direksyon ng inabandonang minahan.
Lumilitaw na binigyan umano ng kendi ng suspek ang bata saka niyaya nitong maglaro kaya sumama sa kaniya kung saan ay pinagsamantalahan nito ang musmos at hindi pa nakuntento ay isinagawa ang pamamaslang.