2 kawani ng casino sinalpok ng kotse, dedo

File Photo

CEBU CITY , Philippines   â€“ Dalawang kawani ng casino na magkaangkas sa motorsiklo ang namatay makaraang salpukin ng  kotse sa kahabaan ng Salinas Drive sa Barangay Apas, Cebu City, Cebu kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang dalawa na sina Gaudioso Bontilao ng Balamban; at Joselito Lopez ng Capitol Site, Cebu City, kapwa kawani ng Philippine Amusement and Gaming Corporation bilang slot machine operators sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino sa Barangay Lahug.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng Toyota Corolla na si Gerard dela Cruz, 28.

Sugatan naman ang pedestrian na si Dany Vale, 37, ng Barangay Kalunasan, Cebu City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na si dela Cruz ay nasa impluwensiya ng alak habang nagmamaneho.

Inamin naman ng suspek sa traffic investigators na ga­ling siya sa drinking session sa mga kaibigan kung saan susunduin sana niya ang kanyang tatay na kawani rin ng nasabing casino.

Nabatid na nakaidlip ang suspek sa pagmamaneho kaya kumabig ito sa kabilang linya ng kalsada kung saan nakasalubong ang motorsiklo ng dalawa at sugatan naman ang isang pedestrian.

 

Show comments