Wanted sa pagpatay, dakma

BULACAN, Philippines - – Nagwakas ang mahabang panahong pagtatago ng 46-anyos na most wanted sa kasong murder makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Wawa, bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon. Sa bisa ng  warrant of arrest na inisyu ni Judge Herminia V. Pasamba ng Regional Trial Court Branch 81 sa kasong murder, dinakma ang akusadong si Manolito Baldonado sa bahay ng kanyang utol sa nasabing barangay kung saan ito bumisita. Ayon kay P/Chief Insp. Voltaire Rivera, si Baldonado ay pangunahing suspek sa pamamaslang sa pinsan nitong si Jimmy Garnace noong gabi ng Agosto 2005.

Show comments