78-anyos na lolo nagbigti

QUEZON, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 78-anyos na lolo na sinasabing iniwan ng ikalawang misis matapos itong magbigti sa kanyang bahay sa Barangay Balinarin, bayan ang Guinyangan, Quezon kamakalawa ng gabi. Bandang alas-8:15 ng gabi nang matagpuang nakabitin sa kisame ng bahay ang biktimang  Gregorio Borja. Nabatid na desperado ang biktima matapos itong iwanan ng kanyang misis noong Enero 2014 kung saan naging matamlay at desperado sa buhay. Maging ang mga anak at mga kapitbahay ng biktima ang nagpahayag na mas gugustuhin na lamang ng matanda na mamatay sa halip na patuloy na mabuhay sa kalungkutan.

Show comments