16-anyos dedo sa tandem

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Bumulagta ang 16-anyos na estud­yante matapos itong ratratin ng riding-in-andem gunmen sa tindahan malapit sa kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Barangay Ibingay, Masbate City, Masbate. Hindi na umabot pa ng buhay sa Masbate Provincial Hospital ang bikitmang si Shanpaul Hibo. Batay sa police report, lumilitaw na bumibili ng alak ang biktima nang lapitan at pagbabarilin bandang alas-2 ng madaling araw. Nabatid na nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan kung saan kinapos ng alak kaya napilitang bumili sa tindahan habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments