Pulis dinedo ng biyuda

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Napatay ang 32-anyos na pulis matapos itong barilin sa ulo ng isang biyuda sa boarding house sa Barangay San Vicente, bayan ng Sta. Ana, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Insp. Darwin Urani, hepe ng Sta. Ana PNP ang biktima na si PO1 Eeric Cipriano, 32, may asawa at nakatalaga sa bayan ng Baggao.

Samantala, arestado naman ang suspek na si Joy Reynancia, 22, ng nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na naganap ang pamamaril sa loob ng boarding house ng suspek matapos sumiklab ang komosyon sa pagitan ng dalawa.

Ayon sa ulat, tumakbong palabas ng boarding house  ang suspek hawak ang baril ng pulis. 

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima at patay na nang maisugod ng mga sumaklolo sa pagamutan. Tumanggi naman isiwalat ni Urani ang relasyon ng biktima sa suspek na isinailalim sa paraffin test.

 

Show comments