^

Probinsiya

Lover ni misis kinatay ni mister

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa sukdulan ang panibugho ng 38-anyos na mister makaraang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang kalaguyo ng kanyang misis sa Calamba City, Laguna kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Edgar Omega, 40, may asawa, mason, tubong Davao Oriental at naninirahan sa Barangay Parian sa nasabing lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Jesus Sarsil­ya, karpintero, may asawa, ng Barangay Cristobal sa nasabi ring lungsod.

Sa report na isinumite  ni P/Supt. Marvin Joe Chiday Saro kay P/Senior Supt. Romulo Emocling Sapitula, Laguna PNP director, naganap ang pananaksak bandang alas-3:54 ng hapon sa mismong bahay ng biktima sa Purok 3 Labak, Barangay Parian.

Lumilitaw na sinugod ng suspek ang biktima at inundayan ng sunud-sunod na saksak saka tumakas.

Sa pagsisiyasat ng pulis­ya, lumalabas na nabisto ng suspek ang ginagawang pakikipagrelasyon ng biktima sa  kanyang asawa kaya isinagawa nito ang pamamaslang.

 

vuukle comment

BARANGAY CRISTOBAL

BARANGAY PARIAN

CALAMBA CITY

DAVAO ORIENTAL

EDGAR OMEGA

JESUS SARSIL

MARVIN JOE CHIDAY SARO

ROMULO EMOCLING SAPITULA

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with