3 pugante sa Zambo tinutugis pa rin

MANILA, Philippines – Naglunsad na ng manhunt operations ang mga pulis ngayong Biyernes upang ibalik sa kulungan ang tatlong high-profile detainees na nakapuga sa Zamboanga del Norte provincial jail kahapon.

Nakilala ang mga puganteng sina Antonio Tuagi at Danford Duhaylungsod na may kasong murder at Brian Nobresala na may kasong panggagahasa.

Nakatakas sa kulungan sa Barangay Don Jose Aguirre ang tatlong pugante bandang alas-10 ng umaga kahapon.

Pinaigting na rin ang seguridad sa bayan ng Osmeña, Rizal at Katipunan sa Zamboanga del Norte kung saan nakatira ang tatlong suspek.

Show comments