Municipal councilor nilikida
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Napatay ang beteranong municipal councilor matapos tambangan ng mga di-kilalang lalaki sa kahabaan ng Provincial Road sa Barangay Mabanengbeng, bayan ng Bacnotan, La Union kamakalawa ng gabi.
 Kinilala ni P/Senior Insp. Christian Alqueza ang napatay na si Councilor Onofre Armogena. 
Ayon kay Alqueza, papauwi na ang biktimang lulan ng van mula sa Barangay Quirino nang pagbabarilin bandang alas-8:30 ng gabi. Sa pahayag ni Alqueza, wala naman natatanggap na pagbabanta sa buhay ang biktima base sa pakikipanayam sa misis ng konsehal.
 Nalagutan ng hininga ang biktima habang ginagamot sa Bacnotan District Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
- Latest