Senglot na misis ni-rape

CAVITE, Philippines – Niluray ng 37-anyos na lalaki ang pagkababae ng isang misis matapos nitong samantalahin na lango sa alak ang una sa Barangay Lejos 1, bayan ng Indang, Cavite kamakalawa ng tanghali. Itinago sa pangalang May, 44, ang biktima habang arestado naman ang suspek na si Michael  Balboa y Delo, kapitbahay ng biktima sa nasabing barangay. Ayon kay PO1 Aileen Pearl Gonzales, namataan ng suspek ang biktima na halos matumba sa pagpasok ng bahay dahil sa kalasingan kaya tinulungan nitong makapasok sa bahay. Subalit idiniretso ng suspek sa kuwarto at isinagawa ang maitim na balak. Sa salaysay ng biktima, pinilit niyang pumalag sa suspek subalit dahil sa kalasingan ay nailugso ang kanyang pagkababae.

Show comments